Noon…
Silid-aklatan lang
tinatambayan
Libro at papel lang
kinagigiliwan
Mula bahay hanggang
paaralan,
Yan lang ang mundo ng
mga kabataan.
Sa tuwing may takdang-aralin
O may importanteng Gawain
Sumangguni lang sa
silid-aklatan
Maghahanap ng sagot
sa mga katanungan.
Ngayon…
Malaki
na ang pinagbago
Ibang-iba
na an gating mundo
Dahil
ito sa social media
Mula
sa ating teknolohiya.
Facebook,
Twitter at Wikipedia
Instagram,
Friendster marami pang iba
Nilamon
na ang mga kabataan ng sistema
Dahil
ito sa iba’t-ibang social media.
Tablet,
Laptop at cellphone
Ito na
ang uso ngayon
Kaya
karamihan sa mga kabataan,
Kanilang
pag-aaral ay napapabayaan.
Imbis
na gamitin sa wasto
Kanila
itong inaabuso
Hindi
na nag-iisip ng matino,
Kung
nakakabuti pa ba ito.
Hindi
masama ang pagbabago
Kung
alam mong mag balanse nito
Kung
kailan at paano,
Kung
hindi ba makakasira ng yong’ pagkatao.
Kaya
mga kabataan
Gumising
sa katotohanan
Huwag
magpapalamon sa sistema,
Ng ating
social media.
No comments:
Post a Comment